Gamit Ng Wika Sa Lipunan
MGA TUNGKULIN NG WIKA
INTERAKSIYONAL
PERSONAL
IMAHINATIBO
HEURISTIKO
IMPORMATIBO
Ang wika ay nilikha upang magkaroon ng kamalayan at pagkakakilanlan ang tao.Ngunit
ito ba ay binigyan halaga ng tao sa lipunan?
Nakakabahalang isipin na, oo nga't ginagamit ng tao ang ating sariling wika, ngunit ito ay hinaluan,kinunan at dinagdagan ng iba pang wika.Ang pagmamahal sa wika ay katumbas ng pagpapaunlad at patuloy na pagtangkilik ganoon din ang paggamit rito na wasto, hindi ang pagpapakita ng kawalan ng respeto rito tulad ng mga kagagawan ng tao na, pag halo haluin ang isang wika sa iba pang wika. Halimbawa ang mga salitang ito, ( you know, your damit is so badoy). Makikitang hindi ka nais nais ang wikang iyon. Hindi man lang binigyan ng halaga ang nailimbag na wika ng mga bayaning pilipino.
Sadyang ang wika ay sumasabay sa pagbabago at pagiging moderno ng mundo na nagdudulot ng katamaran at kawalan ng mahabang pasensya ng tao.
Sana'y bigyan man lang ng halaga ng tao ang wika sa lipunan, sapagkat ito ang paraan upang makapagkilanlan ang mga tao, magkaintindihan at makapag komunikasyon ng maayos. Ito ang nagbibigay kilanlan sa bansa at maging sa pag papairal ng sariling kultura ng nito.
BIGYANG NG KAHALAGAHAN ANG WIKA, DAHIL ITO ANG MAGDADALA SA ATIN SA MAAYOS AT MATIWASAY NA KOMUNIKASYON PARA SA SUSUNOD PANG MGA HENERASYON.
MGA SITWASYONG NAGPAPAKITA NA TALAGANG MAHALAGA ANG WIKA:
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento